
Huli ang isang high value target (HVT) sa iligal na droga matapos ang isinasagawang implementasyon ng search warrant sa Brgy. Centro Norte, Camalaniugan, Cagayan kahapon.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Amoy, 45-anyos, magsasaka at residente sa nasabing bayan.
Dinakip siya dahil sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang operasyon ay pinangunahan ng PNP Camalaniugan Police sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kabilang sa mga nakumpiska mula sa suspek ay apat na piraso ng heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia gaya lighter, aluminum foil, improvised tooter, at isang walang lamang pakete ng sigarilyo.
Dinala ang suspek at ang mga ebidensya sa Camalaniugan Police Station para sa kaukulang disposisyon at paghahanda ng kasong isasampa.
Samantala, huli din ang itinuturing na High-Level Drug Personalities sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Aparri.
Kinilala ang mga ito na sina alyas Obet, 36-anyos at alyas Jojo, 46-anyos.
Hinuli ang dalawa matapos na magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na buyer.
Nakumpiska mula sa dalawa ang apat na piraso ng heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, at P3,000 na ginamit na buy-bust money.