
Iniulat ng U.S. military ang unang American casualties sa pag-atake sa Iran.
Sa ikalawang araw ng conflict, sinabi ni US President Donald Trum na 48 Iranian leaders ang napatay, at sinimulan na rin ng US military pagpapalubog sa Navy ng Iran, kung saan siyam na Iranian warships ang sinira.
Umaabot sa mahigit 1,000 Iranian targets ang pinuntirya ng US aircrafts at warships buhat nang ipag-utos ni Trump ang major combat operations noong Sabado.
Ang strike ay kinabibilangan ng B-2 stealth bombers dropping 2,000-lb bombs, underground Iranian missile facilities.
Kaugnay nito, tatlong sundalo ng US ang namatay habang lima ang may matinding pinsala sa nasabing operasyon.
Ayon sa US Central Command na maraming iba pang tropa nila ang nagtamo ng injuries matapos na tamaan ang mga ito ng shrapnel.
Hindi naman tinukoy kung paano at kung saan nangyari ang pagkamatay ng mga nasabing sundalo ng US.
Ayon sa dalawang US officials, dalawang sundalo ang namatay sa kanilang base sa Kuwait.
Samantala, sinabi ni Trump na posibleng magtatagal ng ilang linggo ang mga operasyon sa Iran.










