Huli sa inilatag na checkpoint ang tatlong hinihinalang gunrunner na umanoy nagbebenta ng armas sa lalawigan matapos magtangkang magpuslit ng matataas na uri ng mga baril sa Enrile, Cagayan, ngayong hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Jorge Matallug, 40-anyos at residente sa Barangay Annafunan East, Tuguegarao City; Franklin Alvarez, 34-anyos at Reynante Alvarez, 47-anyos, kapwa residente sa Barangay San Gabriel, Tuguegarao City.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PLTCOL Romeo Dela Trinidad ng Criminal Investigation and Detection Group na nakumpiska sa sasakyan ng mga suspek ang dalawang cal.45, isang M16 rifle, dalawang rifle grenade, isang hand grenade, isang 9mm pistol at mahigit isan daang bala ng ibat ibang uri ng baril at magazine.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang mga parokyano o pagbebentahan ng mga naturang iligal na baril ng mga suspek.

Nabatid pa na wanted sa batas si Matallug dahil sa kasong robbery na isinasangkot sa gunrunning activities.

-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap ngayon ang mga suspek na nasa kostodiya ng CIDG REGION 2 sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013.