TUGUEGARAO CITY- Nanawagan ng tulong ang grupo ng mga taxi driver sa lungsod ng Tuguegarao dahil na rin sa epekto ng patuloy na pag-iral ng Enhanced Community Quarantine.

Sa panayam kay Michael Gracia, ang transport sector ay kabilang sa hanay ng mga ‘no work,

no pay’ kayat labis na apektado ang kanilang pinagkakakitaan.

Bukod dito, nais din nilang ipahayag sa pamahalaan ang kahilingan na mapasama din ang kanilang hanay sa

listahan ng mga mabibigyan ng bakuna bilang proteksyon laban sa virus.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya
na madalas lamang na nabibigyan ng ayuda at bakuna ay ang mga miyembro ng Tricycle

Operator Drivers Association.

Umaasa ang siya na mapansin din at mabigyan ng tulong ang kanilang hanay dahil apektado rin sila sa pandemic.