Bahagyang bumilis ang galaw ng Tropical Depression Wilma habang tinatawid nito ang Samar nitong Linggo ng umaga, ayon sa weather bureau.

Kumikilos si Wilma pa-kanlurang timog-kanluran sa bilis na 15 km/h at inaasahang daraan sa Southern Luzon at Visayas sa loob ng araw bago ito lumabas patungong Sulu Sea.

Posible itong tumawid sa hilagang Palawan pagsapit ng Lunes ng umaga o hapon.

Mananatiling tropical depression si Wilma habang nasa lupa, ngunit posible itong humina nang mas maaga at maging low-pressure area dahil sa pag-igting ng amihan o northeast monsoon.

Nanatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang lugar sa Luzon at Visayas kung saan posibleng maranasan ang minimal hanggang minor na epekto ng malalakas na hangin.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang sa mga nasa TCWS No. 1 ang:

Luzon: Sorsogon, Masbate including Ticao and Burias Islands, Romblon, the southern portion of Oriental Mindoro, the southern portion of Occidental Mindoro, and the northernmost portion of Palawan including Cuyo, and Calamian Islands.

Visayas: Northern Samar, the northern and central portions of Eastern Samar, the northern and central portions of Samar, Biliran, the northern portion of Leyte, the northern portion of Cebu including Bantayan Islands, the northern portion of Negros Occidental, the central and eastern portions of Iloilo, Capiz, Aklan, and the northern and central portions of Antique including Caluya Islands.

Samantala, kahit sa mga lugar na hindi sakop ng wind signal, magdadala ang Amihan ng malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon, Visayas, at Zamboanga Peninsula ngayong araw; at sa karamihan ng Luzon muli sa Lunes at Martes.