Buo ang pagsang-ayon ng Teachers’ Dignity Coalition sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay incoming Department of Education Secretary Senator Sonny Angara, na pagtibayin ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas.

Ayon kay Benjo Basas, pangulo ng TDC, tinatanggap nila nang malugod ang hakbang na ito sa kanilang adbokasiya na ibalik ang Kasaysayan ng Pilipinas bilang hiwalay na asignatura sa mataas na paaralan.

Aniya ang ang pahayag ng pangulo ay naglalaman ng dalawang mahahalagang isyu kung saan ito ay ang nilalaman ng kurikulum at ang pamamaraan ng pagtuturo kung saan naniniwala ang grupo na ang ganitong approach ay makakatulong sa mga mamamayan na maunawaan ang kahalagahan ng kalayaan, kapayapaan, katarungan, karapatang pantao, at mga batas ganundin sa kahalagahan ng pag papaalala sa mga kabataan at mamamayan na maiwasan ang mga pagkakamali ng nakaraan.