Kampeon ang team Philippines sa World International Mathematical Olympiad (WIMO) finals sa Shenzhen, China matapos na makakuha ng 10 gold, 10 silver at 20 bronze medals.
Ibinahagi sa social media ng Math Olympiads Training League Inc. (MOTLI)na pinangunahan nina Jenylle Nyka Lee, Carsten Edmund Ang, Allen Iver Barroga at Ma. Cassandra Reich Duque ang event na isinagawa Jan. 3 hanggang 6.
Sina Barroga at Duque ay mula sa Sarrat National High School (SNHS) sa Ilocos Norte.
Kinatawan si Lee ng Chiang Kai Shek College at si Ang ay mula sa Chinese International School, kapwa sa Metro Manila.
Si Duque ang kauna-unang Filipino student na nabigyan ng full scholarship sa Chinese University sa Hongkong, Shenshen para sa kanyang tertiary education.
Subalit, pag-uusapan pa ng pamilya Duque kung ano ang kanilang desisyon sa alok ng nasabing eskwelahan.
Kalahok sa WIMO 2024 ang mahigit 15 na mga bansa, kung saan 67 ang representatives mula sa Pilipinas.