Inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla na pag-aaralan nila ang mga pahayag ng isa sa mga akusado na patay na ang mga nawawalang sabungero at inilibing sila sa Taal Lake.

Sinabi ni Remulla na pag-aaralan nila ito dahil sa mayroon pa naman silang ibang testigo.

Kasabay nito, sinabi ni Remulla na kailangan ng technical divers upang malaman kung totoo ang sinabi ng isa sa mga akusado na kinilalang si alyas “Totoy.”

Ayon sa kalihim, hindi madali na pumunta sa ilalim ng lake para maghanap ng mga katawan ng mga tao dahil malalim ito.

Kahapon ay nagsalita ang nasabing akusado at sinabi ang kanyang mga nalalaman sa kung ano ang nangyari sa mga nawawalang sabungero.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni alyas Totoy, hindi na makikita ng buhay ang mga nasabing sabungero dahil sa pinatay at itinapon na sila sa Taal Lake.

Ayon pa sa kanya, hindi lang ang mga missing sabungero ang itinapon sa nasabing lake, kundi mayroon din umanong drug lord.

Sinabi ni Remulla na posibleng kapani-paniwala ang mga sinabi ng akusado.

Kasabay nito, sinabi ni Remulla na kasalukuyan pa ang case build up sa nasabing insidente.