Tinanggal sa team ng Japan para sa Paris Olympics ang teenage gymnast na si Shoko Miyata matapos na mahuli na naninigarilyo at umiinom ng alak.

Pinauwi ang 19 anyos na world bronze medallist at captain ng women’s gymnastics team ng Japan mula sa kanilang training camp sa monaco.

Inamin naman ni Miyata na nilabag niya ang kanilang code of conduct.

Ipinagbabawal ang paninigarilyo at pag-inom ng alak sa Japan para sa mga mamamayan na edad 19 pababa.

Hindi naman inihayag ni Japan Gymnastics Association secretary general Kenji Nishimura kung nasa kasiyahan o mag-isa si Miyata nang mahuli siya na naninigarilyo at umiinom ng alak.

-- ADVERTISEMENT --