TUGUEGARAO CITY-Posibleng bumaba ang bilang ng teenage pregnancy o ang hindi inaasahang pagbubuntis ng mga kabataan dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa Coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Herita Macarubbo, director ng Commission on Population (POPCOM)-Region 2, batay sa mga nagdaang survey kung bakit dumadami ang bilang ng teenage pregnancy ay dahil wala ang mga magulang sa loob ng kanilang tahanan kung kaya’t malaya ang mga kabataan na gawin ang kanilang gusto.

Dahil dito, maaring bumaba ang bilang ng kaso ng hindi inaasahang pagbubuntis dahil nakatutok na ang mga magulang sa kanilang mga anak habang sumasailalim sa ECQ ang buong Luzon.

Kaugnay nito, hinimok ng direktor ang mga kabataan na habang naka-quarantine ay gamitin ang oras para tulungan ang mga magulang sa mga gawaing bahay at mag-aral.

Tinig ni HERITA MACARUBBO

Samantala,pinayuhan naman ni Macarubbo ang mga mag-asawa na panatilihing gumamit ng family method para makaiwas sa hindi planadong pagbubuntis.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, habang ipinatutupad ang luzon quarantine ay inaasahan na mas marami ng oras ang mag-asawa na magsama kung kaya’t hindi maiiwasan ang pagtatalik.