TUGUEGARAO CAGAYAN- Aminado ang mga telecommunication companies na kulang na kulang pa ang kanilang mga cell towers sa Cagayan na dahilan ng mabagal pa rin na internet connection sa lalawigan.

Kaugnay nito, sinabi ng mga kinatawan ng Globe, Smart at PLDT sa session ng Sangguniang Panlalawigan na may mga plano na sila para sa pagdaragdag pa ng mga cell towers at kasalukuyan na rin umano ang kanilang updagrading sa internet service.

Bukod dito, sisikapin umano ng mga nasabing kumpanya na mapabilis ang pagpapatayo ng mga cell towers sa iba pang lugar sa loob ng dalawa hanggang apat na buwan.

Ayon sa mga ito, umaabot kasi sa anim hanggang walong buwan ang pagpapatayo nila ng isang cell site.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinaliwanag din ng mga ito na ang pagpapatayo ng mga cell towers ay depende sa dami ng populasyon sa isang lugar.

Samantala, iniaalok na rin ng Globe sa Department of Education at maging sa mga local government units ang Globe Education Subscribe Plan na tinawag nilang “stock kit unit” o SKU.

Sa nasabing sistema, may prepaid sim na babayaran ng P150 kada buwan na may 8 gigabite.

Ito ay dinisenyo para sa online learning ng mga mag-aaral na ibig sabihin ay hindi ito magagamit sa gaming at sa youtube.

Ipinatawag ang mga opisyal ng telcos sa sesyon ng SP upang alamin ang kanilang mga plano at mga ginagawang hakbang para mapaganda ang kanilang serbisyo lalo na mabilis na internet connecticity para sa online learning ng mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemic.