TUGUEGARAO CITY-Hindi umano ramdam sa bansang Lebanon ang tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran.
Ayon kay Cathy Tejano, OFW sa Lebanon na tubong Alcala,Cagayan,hindi umano siya nangangamba sa kanilang kaligtasan dahil napakatahimik ang nasabing bansa.
Matatandaan, una nang inihayag ng pamahalaan na magsasagawa ng repatriation sa mga OFWs sa Iraq, Iran at Lebanon bunsod sa tensyon sa pagitan ng Us at iran.
Gayunman, kung sakali umano na maapektuhan ang Lebanon, handa naman umano silang makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas na nakabase sa nasabing bansa.
Aniya, nabibigyan naman sila ng abiso mula sa embahada kung kaya’t alam nito ang maaaring gawin kung sakali na magkagulo.
Pero sa ngayon ay wala umanong dapat ikabahala ang kanyang pamilya dahil maayos ang kanyang kalagayan maging ang iba pang OFWs.
Si Tejano ay anim na taon nang nagtatrabaho sa Lebanon.
Base sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 1,134 na mga Filipino sa Iran, 2,291 sa iraq at 33, 234 sa lebanon