Pinarangalan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa probinsya ng Quirino ang kanilang Technical Vocational Institution (TVI) partners na nagpakita ng magandang performance sa pagpapatupad ng scholarship at mandatory assessment, na itinatampok ang kanilang kontribusyon sa paghahatid ng technical vocational education and training (TVET) sa buong probinsiya.

Kabilang sa mga binigyan ng pagkilala ay ang Quirino Tech Training and Assessment Center, Inc., GIL Training Institute and Assessment Center, at Quirino State University Diffun campus na kinilala dahil sa kanilang napapanahong pagsusumite ng accurate billing documents
Kinilala rin ang Ang AC Pastor Integrated Farm dahil sa pagkakaroon ng pinakamataas na bilang ng TVET Graduates noong 2023.

Ang GIL Training Institute and Assessment Center, Inc., KBN Technical School, Inc., QSU Maddela, QSU Diffun, Agape JB Institution Inc., at Provincial Training Center-Quirino ay kinilala para sa pagkamit ng 100 porsiyentong TVET Graduates para sa 2023.

Ang King Asian Technology Institute, Inc., GIL Training Institute at Assessment Center, Inc., QSU Maddela, Agape JB Institution, Inc., KBN Technical School, Inc., Provincial Training Center, QSU Diffun ay kinilala rin para sa kanilang 100 porsiyentong certification rate ng TVET Graduates para sa 2023.

Ang huling set ng mga awardees ay ang QSU Diffun, Agape JB Institution, Inc., Provincial Training Center, KBN Technical School, Inc., GIL Training Institute, at Assessment Center Inc. Nakamit nila ang 100 percent Compliance sa Mandatory Assessment ng TVET Graduates para sa 2023.

-- ADVERTISEMENT --