TUGUEGARAO CITY-Isinusulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang organic farming sa ginta ng nararanasang krisis pangkalusugan.

Sinabi ni Regional Director Demetrio Anduyan Jr., ng Tesda R02, kasama ito sa mga iniaalok na training ng ahensiya lalo na sa mga kabataan bilang tulong sa pagsiguro ng sapat na pagkain ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Anduyan, hinihikayat niya ang mga sumasailalim sa training na mag-establisa ng communal organic vegetable na kung saan imomonitor naman ng mga kasapi ng sanguniang kabataan sa bawat barangay.

Paliwanag ng opisyal na limang araw sasalang sa training ang isang interesadong magsanay sa produksiyon ng organic vegetable lang.

Pero inihayag ni anduyan na aabutin ng isang buwan kung nais ng isang trainee ang whole competency gaya ng wastong pag-aalaga ng baboy, pag-aalaga ng manok, paggawa ng organic fertilizer at marami pang iba para makakuha rin ng national certification o NC2.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Demetrio Anduyan Jr.

Tiniyak naman ni Anduyan na naglatag ng mga kaukulang hakbang ang tesda sa mga training programs para masunod ang mga alintuntunin sa paglaban sa pagkalat ng covid 19.with reports from Bombo Marvin CAngcang