Ipinakita ng Tesla ang muling idinisenyong Roadster na nilagyan ng rocket-style thrusters sa isang launch event sa Texas, United States nitong Huwebes, Oktubre 15.

Binuo ang naturang sasakyan sa pakikipagtulungan sa SpaceX, ang kompanya ng rocket technology na pag-aari ni Elon Musk.

Inaasahang sisimulan ang produksyon nito sa 2028.

Sa isinagawang demonstrasyon, makikitang paatras na nagmaneho ang puting two-seater na sasakyan sa isang rampa gamit ang suction system. Umikot din ito sa himpapawid bago lumapag sa tulong ng mga nakapaloob na thrusters.

Hindi pa inilalabas ang target na presyo ng bagong Roadster.
Gayunman, halos isang dekada na ang nakalilipas nang banggitin ng Tesla ang panimulang presyo nitong 200-libong dolyar.

-- ADVERTISEMENT --