Tuguegarao City- Lalong hinigpitan ngayon ng Task force lingkod Cagayan (TFLC) ang kanilang pagbabantay sa mga boundary check points sa bawat probinya sa rehiyon.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng pag-iingat laban sa banta ng COVID-19.

Sa panayam kay Rueli Rapsing, head ng TFLC, mayroon umanong 12 boundary checkpoints ang nakalatag sa lahat ng entry at exit point ng Cagayan.

Kaugnay nito ay nasa 36 na TFLC personels naman umano ang nakadeploy upang tumulong sa pagbabantay.

Sinabi pa ni Rapsing na lalo nilang hinigpitan ang pagpapatupad ng mga alituntunin ngayong sumapit ang buwan ng Hunyo dahil dumami na ang mga motoristang pumapasok sa Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Bahagi nito ay mahigpit na hinahanapan ng travel authority ang mga galing sa ibang mga probinsya habang travell pass naman sa mga galing ng ibang mga munisipalidad.

Sa ngayon ay maaayos naman aniya ang sitwasyon sa lalawigan base sa kanilang monitoring.

Muli ay nagpaalala pa ito sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na hakbang upang labanan ang pagkalat ng COVID-19.