
Binuwag ng Thailand ang parliament matapos ang halos isang linggo na panibagong labanan sa border nito sa Cambodia, kung saan isasagawa ang general election sa loob ng 45 hanggang 60 araw.
Sa royal decree na isinapubliko ngayong araw, tinukoy ni Prime Minister Anutin Charnvirakul ang border dispute na kabilang sa mga hamon na hinarap ng kanyang minority government buhat nang maupo siya sa puwesto tatlong buwan na ang nakalipas.
Ayon sa punong ministro, ang tamang solusyon ay buwagin ang parliament upang maibalik ang political power sa mga mamamayan.
Si Anutin, isang business tycoon, ang ikatlong prime minister buhat noong August 2023.
Nang umupo siya sa puwesto noong Setyembre, sinabi niya na bubuwagin niya ang parliament sa katapusan Enero.
Subalit dahil sa posibleng maharap siya sa vote of no confidence, binuwag niya ang parliament.









