Sinimulan na ng Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) ang “The Biggest Loser challenge” sa layunin na mapanumbalik ang akmang Body Mass Index (BMI) ng 11 tauhan na overweight.

Ayon kay CG Ensign Jessa Pauline Villegas, information officer ng CGDNELZN natukoy ang mga kalahok matapos na maobserbahan na hini angkop ang kanilang BMI kug kaya’t inilunsad ang programa sa inisyatibo ng kanilang district commander na si CG Capt Ludovico Librilla Jr. bilang bahagi parin ng kanilang paghahanda ngayong panahon ng tag ulan.

Sa nasabing aktibidad magkakaroon ng lingguhang session gaya ng physical exercises habang regular na imomonitor ang kanilang timbang.

Inumpisahan ito ngayong linggo na magtatagal hanggang sa buwan ng Agosto at mabibigyan ng gantimpala ang tatlong personnel na may pinakamalaking naibawas sa kanilang timbang.

Bukod dito ay tuloy tuloy ang ginagawang pagsasanay sa mga coast guard personnel at pagtitiyak sa mga kagamitan bilang preparasyon ngayong tag ulan.

-- ADVERTISEMENT --