Patuloy na isinusulong ng Commission on Higher Education (CHED) ang programang “Think global, Act local” na may layuning mahikayat ang mga mag-aaral na tangkilikin ang edukasyon sa bansa.
Ayon kay Alma Abingo, education specialist ng CHED RO2 na marami pa rin sa mga Pilipino ang gustong mag-aral sa ibang bansa dahil sa mentalidad na mas nakakamanghang makapagtapos sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas.
Sinabi ni Abingo, tinitingala na ngayon ng mga banyaga ang edukasyon sa Pilipinas dahil sa pagpapahalaga rito ng pamahalaan sa paglalaan ng malaking pondo.
Dagdag pa ni Abingo na kanilang hinihimok ang mga Higher Education Institution na dumaan sa assesment ng CHED tulad ng external accreditation o institutional ability assesment.
Ito ay para ma siguro na mas magiging competitive pa sa paghahanap ng trabaho ang mga kabataang Pilipino, sa loob man o labas ng bansa.