Tatlo ang maglalabanlaban sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Cagayan na kinabibilangan nina Edgar Aglipay, Ma. Zarah Rose de Guzman Lara, at Melvin Vargas Jr, kasalukuyang vice governor.
Tatakbo naman na vice governor si Manuel Mamba na kasalukuyang gobernardo, kung saan makakatunggali niya sina Leonides Fausto at dating governor Antonio Alvaro.
Maglalaban naman sa pagka-kongresista ng first district ng Cagayan sina dating Congressman Ramon Nolasco Sr.at Florante Pascual; sa second district sina Allacapan Maor Harry Florida, Edgar Lara, at incumbent Congresswoman Baby Aline Vargas Alfonso, habang sa third district ay sina incumbent Congressman Joseph Lara at dating Tuguegarao City Mayor Randolph Ting.
Siyam naman ang naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sa board member sa first district, 11 sa second district at 12 sa third district.