Binuweltahan ng abogado ni suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na si Atty. Ferdinand Topacio si Justice Assistant Secretary at Spokesperson Atty. Mico Clavano.
Ito ay matapos ang naging kumpirmasyon ng Departmemnt of Justice sa naging pinal sa resulta ng extradition request ng gobyerno ng Pilipinas laban kay Teves.
Ayon kay Topacio, hindi pa nananalo ang DOJ dahil pwede pa silang umapela sa korte sa Timor Leste na baliktarin ang desisyon.
Kabilang pa rin aniya sa kanilang option ngayon ay ang muling paghahain ng political asylum request sa Timor Leste.
Aniya, kahit pa maibalik sa Pilipinas ang kanilang kliyente ay kailangan pa rin aniya na patunayang guilty ito sa mga kasong inihain laban sa kanya.
Giit ni Topacio, lahat ng mga ebidensya ng prosecution ay pawang mga planted lamang para gipitin at idiin ang dating mambabatas.