TUGUEGARAO CITY- Gumagawa na ng temporary canal ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at LGU Rizal sa Cagayan para may dadaluyan ang naipong tubig-ulan sa isang daan sa Gagabutan West.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Vice Mayor Joel Ruma na tinatayang 60 kabahayan ang nakaranas ng pagbaha dahil sa naipong tubig-ulan na mula sa mga kabundukan.
Ayon kay Ruma, hindi naman lumikas ang mga residente dahil sa humupa na ang mga pag-ulan.
Ipinaliwanag ni Ruma na walang daluyan ng tubig-ulan dahil sa hindi itinuloy ng DPWH ang hindi nila natapos na canal sa nasabing lugar dahil sa inayawan ng mga residente.