Patay ang isang lalaking nagtatrabaho sa construction site ng isang malaking mall sa Tuguegarao City matapos sumabog ang gulong ng loader na kanyang hinahanginan.

Kinilala ang biktima na si Marvin Vargas, 26-anyos, tireman sa ginagawang konstruksyon ng mall sa Barangay Bagay, Tuguegarao City at residente sa Ramon, Isabela.

Nabatid na habang sinusukat ng biktima ang hangin ng kinakargahang gulong kaninang hapon, October 1 ay bigla na lamang itong sumabog.

Sa lakas ng pagsabog ay tumama sa ulo ng biktima ang metal lock nito na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nasobrahan ng air pressure ang sanhi ng pagsabog.

-- ADVERTISEMENT --