
Tumaas ng 6% ang trust rating ng mga Pilipino para sa House of Representatives sa huling quarter ng 2025.
Ayon ito sa resulta ng Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia Research na isinagawa noong December 12 hanggang 15 ng nagdaang taon.
Ngayon ay naitala sa 31% ang tiwala ng publiko, mas mataas kumpara sa 25% noong September 2025.
Samantala, nakakuha rin ang Kamara ng 27% na distrust rating mula sa 36% noong Setyembre rin ng nakaraang taon.
Ayon sa Pulse Asia, ang Mababang Kapulungan ay isa sa mga nakapagrehistro ng magandang trust movements mula sa lahat ng malalaki at national institution kaugnay ang flood control issue.
-- ADVERTISEMENT --










