Patuloy ang monitoring ng Task Force Lingkod Cagayan (TLFC) sa mga lugar na nakakaranas ngayon ng mga
pag-ulan sa Cagayan.
Ayon kay Rueli Rapsing ng TLFC, nararanasan ang kalat-kalat at mahina hanggang sa katamtamang mga pag-
ulan sa iba’t ibang mga bayan sa Cagayan.
Sinabi nito na mas ramdam sa ibang mga bayan ang malakas na pagbugso ng hangin kaysa sa pagbagsak ng
ulan.
Sa ngayon ay patuloy na binabantayan ang mga munisipalidad na madalas makapagtala ng pagguho ng lupa
upang agad maabisuhan ang mga residente.
Samantala, sinabi naman ni Michael Conag ng Office of the Civil Defense Region 2 na nararanasan din ang
pag-ulan sa iba pang bahagi ng rehiyon bunsod ng hanging amihan.
Sa ngayon ay mayroon na ring mga hindi madaan ang ilan sa mga overflow bridges tulad sa Alicaocao
overflow bridge sa Cauayan, Baculod overflow bridge sa Ilagan City, Cansan-Bagutary at Cabagan Sta
Maria overflow bridge.
Binabantayan rin ngayon ang mga downstream areas para sa monitoring sa pagtaas ng lebel ng tubig sa
Cagayan River.
Sinabi ni Conag na wala pa namang mga naitatalang evacuees sa rehiyon.
Inihayag din nito na sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa lahat ng mga LGUs at iba pang
grupo/organisasyon upang makapagbigay ng tulong sa mga labis na naapektohan ng bagyong odette.