
Nagtamo ng injury ang TNT import na si Bol Bol matapos aksidenteng bumagsak sa opening quarter habang tinatangkang umatake papunta sa basket.
Dinala si Bol sa locker room matapos masaktan ang kanyang paa sa unang quarter ng Game 2 ng semifinals ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup.
Dinala rin ang manlalaro sa MRI upang sumailalim sa scanning.
Kinumpirma ng team manager na si Jojo Lastimosa ang findings, at sinabing pinaghihinalaan nilang Achilles injury ito matapos makita sa portable ultrasound.
Dagdag pa ni Lastimosa, hindi na makakalaro si Bol para sa natitirang bahagi ng conference, kasunod ng pagkatalo ng TNT kontra Meralco, 76-87, sa Game 2.
-- ADVERTISEMENT --




