
TUGUEGARAO CITY-Tinanghal bilang 1st place ang Tricycle Operators Drivers Association (TODA)-Cataggamman Nuevo, Viejo at Pardo sa katatapos lamang na TODA dance challenge bilang bahagi ng “Afi-Festival 2019”.
2nd place naman ang TODA na bumibiyahe sa isang mall sa Brgy Tanza papunta sa Cagayan State University (CSU)habang 3rd place ang TODA Balzain-Tanza-Caggay.
Ang 1st place ay nakapag-uwi ng P60,000, 2nd place P50,000, 3rd place P40,000 habang ang mga hindi pinalad na TODA ay nakapag-uwi parin ng tig-P15,000 bilang consolation price.
Layon ng nasabing kompetisyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga tricycle drivers na makibahagi sa kapistahan ng lungsod at ipakita ang kanilang talento.