Isasailalim ng Department of Health (DOH) sa road safety seminar ang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) dito sa launagsod ang Tuguegarao.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Dan Reyes ng DOH RO2 na layunin nitong magbigay-kaalaman sa mga drivers ukol sa maingat at tamang pagmamaneho ng motorsiklo, at sa tamang pagsunod sa road safety signs.

Tuturuan din ng DOH ang mga tricycle drivers para sa tamang hygiene sa katawan.

Iginiit ni Reyes na kailangang isaalang-alang ng mga driver ang kanilang kalinisan at pagiging presentable habang namamasada.

Sinabi ni Reyes na ang pagkakaroon ng mabahong amoy ay posibleng makaaapekto sa mga pasahero lalo na at mainit ang panahon.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, tuturuan din ang mga drivers sa basic life support para sa dagdag na kaalaman sa pagliligtas sa mga naaasidente sa lansangan.