Arestado na ang lalaking tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa Isabela dahil sa serye ng kasong rape, kabilang ang panggagahasa sa menor de edad.

Kinilala sa ulat ni PCapt. Juanito Garcia Jr. si “Mar,” nasa tamang edad at residente ng San Pablo, Isabela.

Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang kasong rape na walang piyansa, dalawang sexual assault (P400,000 piyansa), at acts of lasciviousness (P36,000 piyansa).

Matapos ang dokumentasyon, dinala ang suspek sa BJMP Cabagan District Jail para sa kaukulang disposisyon.