Nadakip ng otoridad ang Top 1 sa listahan ng Most Wanted sa lalawigan ng Cagayan sa isinagawang operasyon ng kapulisan sa Brgy Balawag, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang naaresto na si Danilo Lawanie Ruping, 52-anyos, tubong Calanasan, Apayao.

Sa ulat ng Cagayan Police Provincial Office, kasama ang PNP Tabuk ay agad nilang isinagawa ang paghain ng warrant sa suspek na inilabas pa noong taong 1997 matapos makumpirma ang kinaroroonan nito.

Apat na taon din umanong nagtago ang suspek na may kasong murder dahil sa pagbaril nito sa biktimang si Celso Aquino sa Brgy Alitottong, Pamplona, Cagayan noong October 27, 1992.

Kasama rin ng akusado sa pamamaslang ang isa pa na kinilalang si Doroteo Daguna na namatay na nitong mga nakalipas na taon.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ang akusado ay nasa pangangalaga ng mga awtoridad para sa dokumentasyon bago ilipat sa court of origin.