Arestado ang isang lalaking itinuturing na Top 2 most wanted person sa lalawigan ng Cagayan dahil sa kasong panggagahasa sa bayan ng Claveria noong Mayo 3, 2025.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo kay PMAJ Mario Maraggun, Chief of Police ng PNP Claveria, matagumpay na naaresto ang suspek sa barangay Taggat, Claveria sa bisa ng isang warrant of arrest na walang inirerekomendang piyansa.

Kinilala ang akusado bilang si “Ben,” 26 anyos, walang asawa, at residente ng Claveria.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng Claveria Police Station at isinasagawa ang mga kinakailangang dokumentasyon bago ito ilipat sa korte para sa tamang disposisyon.

Hinihikayat naman ni Maraggun ang publiko na makipagtulungan at magbigay ng anumang impormasyon na makakatulong sa paglutas ng mga kasong kriminal.

-- ADVERTISEMENT --