Planong pumasok at mapabilang sa Philippine National Police ang Top 3 sa katatapos na Criminologist Licensure Examination.

Sinabi ni Aldrin Aquino, tubong Baggao, Cagayan na hindi kailanman naging balakid sa kanyang pag-aaral ang pagiging batang ama, bagkus naging inspirasyon nito ang kanyang asawa’t anak upang makatapos ng pag-aaral at makapasa sa board exam.

Kwento pa ni Aquino na dasal pa rin ang pinakamabisang sandata nito kung saan pinagsabay niya ang pag-aaral sa kolehiyo at pagtatrabaho bilang construction worker, maabot lamang ang pangarap na maging pulis.

Sa ngayon, sinabi ni Aquino na plano nilang mag-asawa na ipagpatuloy ang pag-aaral ng kanyang misis.

Si Aquino ay nakapagtala ng 90.5% na rating sa naturang board exam.

-- ADVERTISEMENT --