Desididong magtrabaho sa gubyerno upang makatulong sa publiko ang isang Abulugueño na pang-ika anim na pwesto sa 2019 Geology Board Exam.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Armildez Feril ng Lucban, Abulug na hindi niya inasahan na mapabilang siya sa Top 10 sa katatapos na board exam.
Ibinahagi ni Feril na na-engganyo siyang kumuha ng kursong geology nang nagsagawa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng seminar noong siya ay nasa highschool pa lamang sa Apayao Science High School kung saan siya nagtapos bilang Valedictorian.
Dagdag pa niya na mula bata ay nahumaling na siya sa ‘science subject’ at sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST) ay nakapagtapos siya bilang cum laude sa University of the Philippines Diliman.
Sa ngayon ay pahinga muna si Feril ng ilang araw bago ang target na maghanap ng trabaho upang maibahagi ang kanyang natutunan at makatulong sa publiko.