Pinagpipilian ngayon ng Top 9 sa April 2024 Civil Engineering Licensure Examination na tubong Tabuk City, Kalinga ang magturo o maging isang professional civil engineer sa construction industry.

Ayon kay Carlos Brylle Artates, 23-anyos na bagamat marami nang offer sa kanya na trabaho matapos lumabas ang resulta ng exam ay pinag-iisipan pa nito ang iminungkahi ng kanyang kasintahan na pumasa rin sa naturang board examination na dapat ay pasukin nito ang academe dahil sa magaling itong magturo.

Kaugnay nito sinabi ni Artates na hindi pa rin siya makapaniwala na napabilang siya sa Top 10 na may rating na 91.90% dahil sa hirap ng exam pero inasahan na umano nitong makakapasa siya.

Si Artates ay nagtapos sa Saint Louis University Tuguegarao ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering noong 2023.

Consistent din siyang honor students mula elementarya hanggang highschool kung saan bata pa lamang si Artates ay interesado na siya sa pagiging engineer dahil sa mga kamag-anak na pawang proffesional engineers.

-- ADVERTISEMENT --

Kwento pa niya na parehong nagtitinda ng mga ukay-ulay noon ang kanyang mga magulang na kalaunan ay nagretiro na rin kung saan ang mga nakakatandang kapatid nito ang nagpaaral sa kanya sa kolehiyo.

Dahil dito, kung kaya naging inspirasyon niya para pag-igihan ang pag-aaral at pagre-review ang kanyang pamilya, kasama na ng kanyang kasintahan.

Payo niya sa mga nagre-review, walang mahirap na hindi natututunan at laging magtiwala sa Diyos.