Isang top official ng Commission on Elections (Comelec) ang umano’y nagbukas ng offshore bank accounts at tumanggap ng hanggang P120 milyon mula sa kontrobersyal na South Korean firm Miru Systems Co. LTd.
Ayon kay Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta, ang bagong alegasyon ng korapsyon ay sapat na aniyang dahilan para tuluyang ibasura ang P18 bilyong kontrata sa Miru na base sa ruling ng Korte Suprema ay void at non-existent para sa automated polls sa bansa.
Sinabi ni Marcoleta na ang nasabing Comelec official ay may 14 bagong bukas na bank accounts sa Cayman Islands sa Caribbean, China, Hong Kong, North America at Singapore na iba’t-iba ang denominasyon kung saan ang pera nito ay umaabot sa 415.2 milyon o halos P1 bilyon.
Idineposito ito sa bank accounts ng nasabing opisyal mula Hunyo hanggang Marso ng taong ito.