
Tiniyak ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na patas ang pagpapatupad nila ng traffic rules, kasunod ng maraming violation notices na natanggap ng kanyang asawa.
Nagbiro si Torre na hindi lamang siya general manager ng MMDA kundi siya rin ay “general payor” ng mga multa ng kanyang asawa na si Patricia Jane Torre.
Sinabi ni Torre na walang special treatment sa pagpapatupad ng traffic rules – kahit ang kanyang asawa ay dumadaan sa parehong proseso.
Ibinahagi ni Torre sa kanyang Facebook post ang apat na notices of violation na inisyu sa kanyang asawa dahil sa paglabas ng unified vehicle reduction program, o mas kilala na number coding scheme.
Ang nasabing notices, sa ilalim ng no physical contact policy, ay nagpapakita na ang mga paglabag ay nangyari noong Sept. 5, 2025, at Feb. 2, Feb 13, at March 2, 2026.
Ipinakita rin ni Torre ang certificates of traffic violations clearance na may petsang March 6, na nagkukumpirma na nagbayad siya ng P2,090 na multa.
Sinabi pa ni Torres sa kanyang asawa na sa susunod na paglabag, ay mai-impound na kanyang sasakyan.










