Nakuha ng tortang talong ang second best egg dish sa mundo, ayon sa TasteAtlas.

Batay sa website ng nasabing publication, ang nasabing ulam ng mga Pinoy ay nakakuha ng 4.4 sa 5 rating.

Pinataob ng tortang talong ang American Eggs Benedict at Japanese Omurice at nagbigay ng karangalan sa Filipino cuisine.

Inilarawan ng TasteAtlas ang tortang talong na isang simpleng Filipino dish na gawa sa pinaghalong inihaw na mga talon at binatil na itlog na katulad ng malutong na omelette.

Tinawag din ng TasteAtlas ang nasabing ulam na “a versatile delicacy” at sinabing mas masarap itong ihain sa kanin, kamatis o banana ketchup.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa na mura at mabilis lang lutuin tortang talong, at maaari itong agahan, pananghalin, o hapunan.

Samantala, ang Ajitsuke tamago o ramen eggs ang nakakuha ng unang puwesto na nakakuha rin ng 4.4 rating.

Ang Ajitsuke tamago ay isang traditional dish na gawa sa soft-boiled eggs na ibinabad sa mirin at soy sauce.

Kinakain ito bilang miryenda, isinasama sa bento, o karaniwan na inilalagay na topping sa ramen.