Masasaksihan sa March 13 hanggang 14 ang unang total lunar eclipse buhat noong 2022, subalit ito ay para sa mga bansa na nasa night side ng mundo.

Sa celestial event na ito, dadaan ang buwan sa anino ng ating planeta sa loob ng 65 minuto na magreresulta sa kulay na pula na madalas na tinatawag na “blood moon.”

Habang makikita sa buong mundo ang eclipse sa parehong universal time, ang pinakamagandang view ay sa North at South America.

Ang mga observer sa Europe ay makikita ang moonset, habang ang mga nasa East Asia ay masasaksihan naman ito sa paglabas ng buwan.

Hindi tulad ng solar eclipse, ligtas na tignan ang buwan sa buong panahon ng lunar eclipse.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi lang ito ligtas kundi ito ay isang magandang pagkakataon na masilayan ang bihirang celestial event dahil magtatagal ito ng anim na oras.

Sa lunar eclipse, nagiging kulay pula o orange ang buwan dahil ang sinag ng araw na hindi natatakpan ng ating planeta ay nasasala sa pamamagitan ng makapal na atmosphere ng Earth sa paglalakbay nito sa lunar surface.

Ayon sa NASA, karaniwan na nangyayari ang lunar eclipse dalawang beses sa isang taon subalit ang susunod na lunar eclipse ay masasaksihan naman sa Asya.