TUGUEGARAO CITY-Bumaba umano ng 88 percent ang tourist arrival sa lalawigan ng Kalinga noong 2020 dahil sa covid-19 pandemic.
Dahil dito, may mga tourism worker na nawalan ng trabaho kasunod ng pagsara at pagkalugi ng mga tourism establishment.
Nagkaroon naman ng financial assistance program ang Department of Tourism (DOT) at Department Of Labor and Employment (DOLE) kung saan nasa 100 na displaced tourism workers ang nakatanggap ng tig-P5,000.
Umaabot naman sa P5.3 milyon ang naibahagi ng dalawang ahensya maliban pa sa ibinahaging tulong na mula sa Local government Units (LGUs).
Samantala, namahagi naman ang Provincial Tourism Office ng mga bond papers sa 12 paaralan sa Kalinga bilang bahagi ng kanilang suporta sa modular system ng Department of Education.