
TUGUEGARAO CITY-Pansamantalang ipinasara ng provincial government ng Apayao ang lahat ng mga tourist spot sa kanilang nasasakupan dahil sa banta ng Coronavirus disease (Covid-19).
Sa inilabas na memorandum order mula sa tanggapan ni Apayao Governor Eleanor Bulut-Begtang, inatasan niya ang mga alkalde sa bawat bayan sa probinsiya ng Apayao na pansamatalang isara ang kanilang mga pook pasyalan sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Bagamat covid-free ang nasabing probinsiya layon pa rin nito na maiwasan ang pagkalat ng naturang virus.
Sa ngayon, mahigpit ang ginagawang checkpoint monitoring papalabas at papasok sa Apayao.