Patay ang isang manggagawa ng isang minahan at pitong iba pa ang nasugatan matapos na tamaan sila ng kidlat sa Homonhon Island, sa bayan ng Guiuan, Eastern Samar kahapon.

Nagtamo ng sunog sa kanyang katawan si Aljun Cabe, 37 anyos at idineklara siyang dead on arrival sa pagamutan.

Nagkaroon din ng sunog sa kanilang paa at ulo ang kanyang mga kasamahan.

Sinabi ng PNP sa Guiuan, nagpapahinga umano ang mga biktima sa isang bahay-kubo na malapit sa kanilang pinatatrabahuan sa Barangay Cagusuan kahapon ng umaga nang magkaroon ng kidlat sa gitna ng malakas na pag-ulan.

Nangako naman ang minahan na sasagutin ang lahat ng medical expenses ng mga biktima.

-- ADVERTISEMENT --