Hindi pa man naipoproklama ay sinimulan na umano ni incoming Senator at dating PNP chief Ronald Bato Dela Rosa ang pag-aaral sa paggawa ng batas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, sinabi ni Dela Rosa na una niyang pinag-aaralan ang mga panuntunan at pamamaraan sa Senado tulad ng proseso ng pagpasa ng batas.
Pinasalamatan din nito sina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ralph Recto sa ibinahaging tulong bilang paghahanda sa kanya sa oras na pormal na itong maupo bilang senador.
Base sa huling partial at unofficial tally ng mga boto para sa May, 2019 midterm elections ay nakalikom si dela Rosa ng mahigit 18-million na mga boto at kasalukuyang nasa ika-limang pwesto.