TUGUEGARAO CITY-Palalakasin ng Department of Trade and Industry (DTI)Region 02 ang traditional na pananamit ng mga Ivatan sa probinsya ng Batanes.
Ayon sa ahensiya, layon nitong pag-aralan ang kultura ng mga residente sa nasabing lugar at bahagi na rin ng pagsulong ng kaayusan ng kanilang kasuotan.
Isa rin itong paraan para pagyamanin at panatilihin ang kultura ng ivatan at para suportahan ang industriya ng turismo .
Ang Batanes Heritage foundation incorporated bilang benipisaryo ng DTI ang magiging katuwang ng ahensiya para sa produksyon ng cultural attires bilang tulong sa mga mamamayan na magkaroon ng pagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya.