Tuguegarao City- Magsasagawa ngayong araw na ito ang Public Order and Safety Unit (POSU) Tuguegarao ng dry run sa pagpapatupad ng rerouting sa mga lansangang nakapalibot sa People’s General Hospital.

Ito ay bahagi ng paghahanda ng LGU Tuguegarao na gawing quarantine facility ang naturang pagamutan para sa mga asymptomatic COVID 19 patients.

Sinabi ni Ret. Major Vincent Blancad, head ng POSU Tuguegarao, na kabilang sa mga lansangang gagawing restricted ay ang bahagi ng Rizal St. corner mula Aguinaldo st. patungong Luna St.

Kasama rin dito ang bahagi ng Luna St. mula corner Blumentrit st. at corner Rizal St.

Paliwanag ni Blancad na bahagi ito ng rekomendasyon ng Department of Health (DoH) upang maiwasan ang pagpasok ng publiko sa lugar at maiwasan din ang pagkalat ng virus.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya ay maglalagay sila ng mga traffic control devices at mga public advisories pagkatapos ng dry run.

Tiniyak nito na pag-aaralang mabuti ng kanilang tanggapan ang ilalatag na panuntunan sa daloy ng trapiko upang maiwasan ang pagkaantala ng mga motorista.