Nagpapagaling na sa pagamutan ang dalawang katao na sakay ng bumaligtad na 14-wheeler truck na kargado ng saku-sakong palay sa bayan ng Gattaran, Cagayan.
Ayon kay PMaj. Edwin Aragon, hepe ng Gattaran PNP na kapwa nagtamo ng mga galos sa kanilang katawan ang driver ng sasakyan na si Arnold Ponce ng Brgy. Labben, Allacapan at ang pahinanteng si Richard Asuncion ng Brgy. Centro East, Allacapan.
Nabatid na galing sa Allacapan ang sasakyan na kargado ng humigit kumulang 700 sako ng palay na ibibiyahe sa lalawigan ng Isabela nang ito ay bumaligtad sa pakurbadang bahagi ng kalsada ng Brgy Naddungan, pasado alas 10:00 kagabi (April 6).
Hindi rin daw natantiya ng driver ang pakurbadang daan kaya’t bumaliktad ito sa pababang bahagi ng lansangan at tumilapon ang ilang mga sako ng palay na sakay nito.