Magtatayo ng train store ang pamahalaang lokal para sa mga ambulant vendors na naapektuhan sa road clearing operations sa bayan ng Baggao.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Mayor Joan Dunuan na gagamitin nila ang mga sirang sasakyan ng munisipyo para sa itatayong tindahan na maari din maging tourist attraction.
Aniya, tatanggalin at iiwan lamang ang casing ng mga sirang sasakyan at pipinturahan upang maging tindahan.
Dito rin umano ilalagay ang mga souvenir items na maaaring bilhin ng mga turista na nagtutungo sa bayan ng Baggao na ilalagay sa uupahang 400 square meters na lupain sa Barangay Bitag Grande.
Maliban dito plano rin ng LGU na magtatag ng night market na sisimulan din sa susunod na buwan mula alas singko hanggang alas diyes ng gabi sa palibot ng munisipyo
Ayon kay mayor dunuan na kung maging matagumpay ang proyekto na isasagawa hanggang sa katapusan ay magtuloy tuloy ito.