Inanunsyo ng mga imbestigador mula sa South Korea noong Sabado na malapit na nilang matapos ang transcript ng cockpit voice recorder mula sa nangyaring plane crash na nag-iwan ng 179 nasawai noong nakaraang linggo.

Ang nasabing recording ay maaaring maglaman ng mga pahiwatig tungkol sa huling sandali ng Jeju Air Flight 2216, na may 181 pasahero at crew na mula sa Thailand patungong South Korea noong Linggo.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad ang makina ng eroplano mula sa lugar ng crash nitong linggo, ayon sa ahensya ng gobyerno.

Bagama’t hindi pa tiyak ang sanhi ng pagbagsak ng Boeing 737-800, may mga imbestigador na nagsasabing maaaring sanhi ng bird strike, problema sa landing gear, at ang konkretong pader sa runway.

Nagsagawa rin ng mga operasyon ang mga awtoridad sa Muan Airport kung saan naganap ang insidente, pati na rin sa regional aviation office sa lungsod at sa opisina ng Jeju Air sa Seoul.

-- ADVERTISEMENT --