????????????????????????????????????

Hindi nakiisa ang transport group sa Region 2 sa tigil pasada na ikinasa ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide o PISTON para iprotesta ang December 31 deadline na ibinigay ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board o LTFRB para sa consolidation ng mga jeepney operators and drivers sa kooperatiba sa ilalim ng Public Utility Modernization Program.

Sinabi ni Benigno Bawet, chairman ng Cagayan Valley Kalinga Apayao Transport Cooperatibe na walang dahilan para sila ay sumali sa tigil pasada dahil sa miembro na sila ng kooperatiba.

Kasabay nito, hinikayat ni Bawet ang mga hindi nagcoconsolidate sa kooperatiba na gawin na ito dahil ito ay programa ng pamahalaan sa transportasyon.

Nasa 2, 000 ang miembro ng nasabing transport group.

Samantala, sinabi ni Modesto Floranda, presidente ng PISTON na sa pagtatapos ng kanilang tigil pasada ngayong araw na ito ay magsasagawa sila ng malaking martsa rally mula sa welcome rotonda patungong Mendiola kung saan ay magkakaroon sila ng programa.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Floranda na hindi magtatapos dito ang kanilang gagawing mga pagkilos kung patuloy na hindi pakikinggan at pagbibigyan ng LTFRB at pamahalaan ang kanilang mga kahilingan.