Nanatiling mababa ang bilang ng mga commodity vessel na dumaraan sa Strait of Hormuz nitong weekend, ayon sa preliminary ship-tracking data.

Apat na barko ang lumabas sa Gulf habang 10 naman ang pumasok sa Strait of Hormuz—mas mababa sa 10-day average na 14 na barko kada araw.

Hindi kabilang sa bilang ang mga barkong maaaring dumaan habang nakapatay ang kanilang Automatic Identification System o AIS transponders upang hindi matukoy.

Samantala, isang barko ang tinamaan ng hindi pa nakikilalang projectile habang dumaraan sa Strait, habang pansamantalang isinara rin ang mahalagang East-West oil pipeline sa Saudi Arabia matapos ang drone attack.