Muling ipinaalala ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 sa mga magulang o legal guardian ng mga batang edad 17 taon pababa na bibyahe sa ibang bansa nang walang kasama na kailangang kumuha ng clearance para sa kanila mula sa ahensya.
Ayon kay Geselle Cipriano, Focal Person ng DSWD FO2 na layon nitong maiwasan ang pang-aabuso at pagsasamantala sa mga batang Pilipino na mag-aaral sa ibang bansa, ang pagdalo sa mga kompetisyon, o pagbisita sa mga kamag-anak sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Cipriano, mahalagang mag-secure ang mga magulang ng travel clearance para rin sa proteksyon ng kanilang mga anak o ng mga bata bilang isang dokumento na tinitingnan ng Bureau of Immigration.
Ang travel clearance ay isang dokumento na iniisyu ng DSWD katuwang ang National Authority for Child Care (NACC) na nagpapahintulot sa isang menor de edad na maglakbay sa ibang bansa nang walang kasama na alinman sa mga magulang o ang mga taong may awtoridad sa magulang o legal guardian.
Ang nasabing clearance ay valid sa loob ng isang taon mula sa petsa ng pag-iisyu at magiging valid para sa pagbiyahe.